100 evacuation centers, handa na sa pagtama ng mga kalamidad sa bansa – PBBM

Nakahanda na ang 100 evacuation centers para sa mga posibleng maapektuhan ng pagtama ng kalamidad sa bansa.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ito ay ipinatayo sa loob ng dalawang taon bilang bahagi ng paglaban ng pamahalaan sa matinding epekto ng climate change.

January 2024 din aniya nang simulan ang operasyon ng disaster response command center na magsisibing central hub para sa disaster response efforts ng gobyerno.


Para naman labanan ang magiging epekto ng La Niña sa huling bahagi ng taon, may higit 5,000 flood control projects na ang pamahalaan at marami pa ang kasalukuyang ginagawa.

Nakaantabay na rin ang mga tauhan ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) sa pagtama ng sakuna sa bansa anumang oras.

Facebook Comments