100 Health Care Workers ng CRMC , negatibo sa COVID-19

Isang daan mula 102 Health Care Workers ng Cotabato Regional and Medical Center na isinailalim sa Quarantine ay nag- NEGATIBO sa Covid 19

Itoy base na rin sa impormasyon mula mismo kay Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi sa kanyang Facebook Post noong weekend.

Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng CRMC sa naging resulta at inaasahang magbabalik trabaho ang mga ito sa mga susunod na mga araw sa impormasyon mula kay CRMC Chief Dra. Helen Yambao


Samantala nasa maayos namang sitwasyon ang 36 at 23 anyos na na mga Health Care Workers na nagpositibo sa SWAB TEST.Kapwa nasa Isolation Center ng CRMC ang mga ito. Kapwa Asymptomatic rin ang mga ito.

Sa kabuuan nasa 26 na ang bilang ng Covid -19 sa Cotabato City . (Dennis Arcon)

Facebook Comments