Paiimbestigahan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa 100 Health Facilities.
Ayon kay PhilHealth Senior Vice President, Atty. Rodolfo Del Rosario, sa isang pagsusuri kasi na ginamitan ng Machine Learning Identification Detection and Analysis, lumabas ang mga naglalakihang PhilHealth claims ng mga hindi pinapangalanang mga ospital at klinika.
Posibleng alisan na rin ng akreditasyon ang dalawang pribado at isang pampublikong ospital sa Central Mindanao na may milyu-milyong ghost claims
Sakaling matanggalan ng accreditation, pwede pa ring mag-operate ang mga ospital pero hindi na ito bibigyan ng pondo ng PhilHealth.
Gayumpaman, posible pa rin silang maharap sa kasong kriminal at administratibo.