100 HYGIENE KITS, IPINAMAHAGI NG AMERICARES PH SA DAGUPAN

Tumanggap ng 100 hygiene kits ang lungsod ng Dagupan mula sa Americares Philippines bilang bahagi ng kanilang humanitarian response para sa mga apektado ng bagyong Emong.

 

Personal na iniabot ng kinatawan ng Americares na sina Emergency Response Manager Glorina Diaz, ERT Bayani Belangue, Raquel Tubera, Daisylyn Villamor, Glendyl Japones, at Transport Officer Jacob Bryan dela Cruz ang mga hygiene supplies sa mga evacuees sa Dagupan City People’s Astrodome.

 

Bukod sa pamamahagi, nagsagawa rin sila ng kaalaman ukol sa wastong kalinisan sa katawan bilang suporta sa kampanya ng DOH at City Health Office kontra sa mga sakit na dulot ng patuloy na pag-ulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments