Nabusog sa isinagawang feeding program ng Pasig Philippine National Police (PNP) ang 100 indibidwal sa Barangay Sta. Rosa, Pasig City.
Kahapon isinagawa ang feeding program sa pangunguna ng Pasig PNP kasama ang mga Barangay officials.
Ang feeding program, ginawa kaugnay sa programa ng PNP na Barangayanihan kung saan inatasan ang lahat ng police units na magsagawa ng community patry, feeding program at iba pang aktibidad na makakatulong sa kanilang mga nasasakupang lugar.
Kaya naman ang Pasig PNP ay napili kahapon na magsagawa ng feeding program sa nasabing barangay.
Layunin ng PNP sa kanilang isinasagawang Barangayanihan nationwide ay matulungan ang mga Filipino na lubhang apektado ngayon ng COVID-19 pandemic.
Facebook Comments