100 JOB SEEKERS, HIRED ON THE SPOT SA MIGRANT WORKERS JOB FAIR, CAREER EXPO

Cauayan City – Naging matagumpay ang Migrant Workers’ Job Fair and Career Expo na isinagawa sa Community Center sa lungsod ng Ilagan.

Ang aktibidad na ito ay isang recruitment activity na inilunsad ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na pinangungunahan ni Chairman Silvestre H. Bello III kasama ang Department of Migrant Workers (DMW).

Nasa walong Taiwan Recruitment Agencies at tatlong unibersidad ang nakilahok sa programa kung saan, 2,000 job openings ang kanilang iniaalok kabilang na ang scholarship sa fields katulad ng engineering, languages at science.


Mula sa libo-libong dumalo, 100 sa mga job seekers ang hired on the spot at tiyak ng may papasukang trabaho sa ibang bansa.

Pinasalamatan naman ni Chairman Bello ang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan partikular na si Governor Rodito T. Albano III at Vice Gov. Bojie sa kanilang mainit na pagtanggap at pagsuporta sa aktibidad.

Facebook Comments