100-K frontline tourism workers, target na sanayin ng DOT ngayong 2023

Courtesy: Department of Tourism - Philippines | Facebook page

Target ng Department of Tourism (DOT) na maisailalim sa Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) training ang 100,000 na frontline tourism workers ngayong 2023.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, layon nito na mapaghusay ang kakayanan ng mga manggagawa, negosyante at maging mga vendor sa pagtanggap ng mga turista para mas maging masaya ang karanasan at bakasyon ng mga bibisita sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Frasco na “Filipino hospitality” ang isa sa dahilan ng paglakas ng turismo sa Pilipinas at dahil dito nakilala ang bansa sa Asya.


Matatandaan, mahigit na sa 43,000 frontline tourism workers ang nasanay ng DOT.

Facebook Comments