100 katao, lumabag sa iba’t ibang ordinansa kabilang ang hindi pagsusuot ng facemask sa San Juan City

26

Pumalo na sa 100 personalidad ang pinagdadampot ng mga tauhan ng San Juan City Police Station na lumabag sa iba’t ibang ordinansa kabilang ang hindi pagsusuot ng facemask sa iba’t ibang lugar sa San Juan City.

Ayon kay San Juan City Chief of Police P/Col. Jaime Santos, 27 ang walang suot na facemask ang kanilang pinagdadampot, 5 naman ang lumabag sa curfew hours, 16 ang lumalabag sa TRAFFIC violations, 3 ang nakahubad pang-itaas,2 ang umiinom sa pampublikong lugar at 2 rin ang naninigarilyo sa public places na pinagbabawal ng Local Government Unit (LGU).


Paliwanag ni Col. Santos, nagsagawa sila ng kampanya laban sa mga lumalabag sa City Ordinaces kabilang ang hindi pagsusuot ng facemask at pagpaiiral ng social distancing.

Dagdag pa ng opisyal na nais nilang matiyak na hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga nahahawan ng COVID-19 sa San Juan City.

Facebook Comments