100 Katao Patay Sa Pambobomba Sa Isang Gasolinahan Sa Iraq – Habang El-Salvador, Niyanig Ng Magnitude 7.0 Na Lindol

8

BAGHDAD, IRAQ – Patay ang 100 katao sa pagsabog ng truck sa isang gasolinahan sa Baghdad Iraq.Karamihan sa mga nasawi ay pawang Iranian shi’ite pilgrims na nasa loob ng isang restaurant, malapit sa gasolinahan na popular sa mga biyahero.Agad namang inako ng sunni militant group ng islamic state ang pag-atake.Samantala, tumama ang magnitude 7.0 na lindol sa pacific coast ng El Salvador.Naganap ang pagyanig sa 149 kilometers South-Southwest ng Port of El Triunfo alas 12:43 ng tanghali doon, alas 2:43 naman ng madaling araw oras sa Pilipinas.Wala pa namang napapaulat na pinsala ng lindol pero agad na nagpalabas ng tsunami alert ang mga otoridad.

Facebook Comments