Magpapadala ng 100 linemen ang Department of Energy (DOE) sa probinsya ng Catanduanes.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tutulong ang mga ito sa First Catanduanes Electric Cooperative, Inc. sa pagpapanumbalik ng kuryente sa mga lugar na labis na sinalanta ng Bagyong Pepito sa probinsya.
Mino-monitor din ng DOE ang pagpapatupad ng price freeze sa produktong petrolyo sa mga lugar na idineklarang nasa state of calamity.
Bukod dito, isinulong din ng ahensiya ang paggawa ng istratehiya ng Department of Health (DOH) para sa independent potable water supply na hindi umaasa sa kuryente.
Patuloy rin ang mahigpit na pagbabantay ng DOE sa kalagayan ng mga electric cooperatives na naapektuhan ng bagyo.
Facebook Comments