Tiniyak nina presidential candidate at Senator Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential aspirant at Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hind lang umano sa Lone District ng Quirino, ang kanilang bibigyan ng P100-M bagkus buong Pilipinas.
Ayon kay Senator Lacson, ang programa nila ni Sotto na tinatawag na Budget Reform Advocacy and Village Empowerment, kung saan bigyan bibigyan ng Lacson-Sotto tandem sakaling sila ay papalarin na manalo sa eleksyon ng mas malawak na papel ang mga Local Government Unit (LGU).
Paliwanag pa nina Lacson-Sotto tandem sa kasalukuyan na sistema ay 20% lang anila ang ina-adapt sa National Budget na nanggagaling sa development plans kung saan binigyan ang mga LGU ng karagdagang pondo dahil sa Mandanas ruling pero ang problema ay tinambakan naman sila ng mga obligasyon.
Binigyang diin pa nina Lacson-Sotto tandem na ang initial computation nila ay kaya umanong bigyan ang bawat Munisipalidad ng P100-M para development o pagpapaganda at ayos sa kanilang lugar.