100 MAG-AARAL SA CALASIAO, NABIGYAN NG TULONG PANG-EDUKASYON

Isandaang (100) kabataan mula sa high school at kolehiyo sa Barangay Longos, Calasiao ang tumanggap ng educational assistance bilang bahagi ng programang pang-edukasyon ng barangay.

Naisakatuparan ang pamamahagi sa ilalim ng Barangay Ordinance No. 2, Series of 2025, na layuning palakasin ang suporta sa pag-aaral ng mga kabataan sa komunidad.

Kasabay ng aktibidad ang isinagawang Barangay at Katipunan ng Kabataan Assembly kung saan tinalakay ang ulat sa pananalapi, mga proyekto, at mga programang nakatakdang ipatupad sa susunod na taon.

Layunin ng programa na matiyak na ang pondo ng barangay ay naibabalik sa mamamayan sa anyo ng tulong pang-edukasyon.

Samantala, tinatayang 700 scholars sa buong bayan ng Calasiao ang nakatakdang makatanggap din ng educational assistance sa ilalim ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments