100 mga guro at staff ng UDM, lumahok sa simbolikong pagbabakuna kontra COVID-19

Kasabay ng kauna-unahang Higher Education Day at ika-27 founding anniversary ng Commission on Higher Education (CHED), umarangkada na ang PADYAK o Pamantasan Pandayan Tungo sa Kaunlaran sa Universidad de Manila o UDM.

Ito ang simbolikong pagbabakuna kontra COVID-19 para sa education frontliner sa higher education.

Sinovac ang bakunang ginamit sa mga professor at kawani ng UDM.


Nagpasalamat naman si UDM President Malou Tiquia dahil napili ng CHED ang UDM sa paglunsad ng simbolikong pagbabakuna.

Nasa 100 na mga guro at mga kawani ng unibersidad ang nabakunahan.

Facebook Comments