100 milyong Pilipino, target mabakunahan sa mahigit P80 bilyon pondong inilaan sa pambili ng bakuna

Mahigit 100 milyong mga Pilipino ang target na mabakunahan laban sa COVID-19 kung ang mabibiling bakuna ng pamahalaan ay nagkakahalaga ng P600.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Kongreso sa inilaang P72.5 bilyong pondo para sa pagbili ng bakuna habang may nakalaang P10 bilyon sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 para sa vaccination drive.

Ayon kay Senador Sonny Angara, sa kabuuan, P82.5 bilyon ang magiging budget para sa pagbili ng bakuna at magiging sapat ito.


Gayunman, mayroon aniyang ilang variables na hindi pa masagot kabilang ang dami ng ipinangakong suplay para sa bansa, kailan ito dadating at saan ito ilalagak.

Una nang sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na plano ng gobyerno na mabakunahan ang 60 hanggang 70 percent ng mga Pilipino para makamit ng bansa ang herd immunity sa loob ng limang taon.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan si Galvez sa AstraZeneca para sa inisyal na supply ng bakuna sa nasabing halaga.

Facebook Comments