100 milyong puno ng niyog, planong maitanim sa bansa bago matapos ang termino —PBBM

Hindi bababa sa 15 milyong high breed at mataas na klaseng binhi ng niyog ang itatanim sa iba’t ibang parte ng bansa.

‘Yan ang naging pahayag ni pangulong bongbong marcos sa kanyang ikaapat na SONA.

Milyon-milyong mga Pilipino aniya ang umaasa sa puno ng niyog bilang pangunahing kabuhayan.

Kaya naman dagdag pa ni Pangulong Marcos, tuloy-tuloy ang gagawing pagtatanim hanggang sa umabot ng 100 milyong puno ng niyog ang maitanim sa bansa bago matapos ang kaniyang termino.

Samantala, hinihiling ng pangulo na amyendahan ng kongreso ang coconut farmers and industry trust fund act upang mas maging angkop sa pangangailangan ng mga magsasaka.

Facebook Comments