
Nagsagawa ng Oblation run ang mga miyembro ng Alpha Phi Omega o APO sa University of the Philippines o UP-Diliman sa Quezon City ngayong araw.
Nasa 100 miyembro ng APO ang tumakbong walang saplot kasabay ng ika-100 anibersaryo ng grupo.
Sa pagtakbo ng mga miyembro ng APO hanggang makarating sa Palma Hall ng unibersidad ay kinalampag ng mga ito ang pamahalaan sabay sigaw ng “ikulong na yan, mga kurakot.”
May hawak din ang mga itong placard na kumukondena sa political dynasty sa bansa at ang iba pang uri ng pang-aabuso sa pulitika.
Bilang bahagi ng taunang Oblation ay namahagi rin ang mga ito ng bulaklak.
Ayon kay Atty. Fritz Sapon, APO member at alumni spokesperson, pagditiwang ito ng ika-100 taon ng kapatiran at maraming taon pang pagtindig laban sa korapsiyon na nangyayari sa bansa.









