100 na empleyado sa train stations at depot ng MRT-3, naturukan na ng 2nd dose ng COVID-19 vaccine

33

Naturukan na ngayong araw ng kanilang 2nd dose ng COVID-19 vaccine ang mga empleyado ng MRT-3 bilang bahagi ng vaccination rollout ng Department of Transportation (DOTr).

Isinagawa ang vaccination activity sa East Avenue Medical Center, Quezon City.


Nasa 100 na mga empleyado sa stations at depot ng MRT-3 ang binakunahan ngayong araw.

Matatandaang tumanggap ng 1st dose ng COVID-19 vaccine ang mga empleyado noong June 23, 2021.

Ang pagpapabakuna sa mga empleyado ng MRT-3 ay alinsunod na rin sa direktiba ni DOTr Sec. Art Tugade na masigurong protektado ang mga kawani ng transportasyon at ang mga pasahero laban sa COVID-19.

Ang sektor ng transportasyon ay kabilang sa A4 group ng national vaccination priority list.



Facebook Comments