100% na pagbubukas ng mas maraming negosyo at industriya, isinulong ng DTI

Inirekomenda ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang 100% na pagbubukas ng mas maraming negosyo at industriya para mas marami ang makabalik sa trabaho.

Sa budget hearing ng Senado ay ipinaliwanag ni Lopez na kailangan itong gawin bilang tugon sa mga naghihirap at nagugutom dahil sa pandemya at para rin sa ekonomiya.

Ayon kay Lopez, pwede itong isakaturapan kahit manatili ang Metro Manila sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) o kahit ibaba ito sa Modified GCQ.


Binigyang-diin naman ni Lopez na sakaling ibaba sa MGCQ ang Metro Manila ay dapat pa ring higpitan ang implementasyon ng health protocols laban sa COVID-19.

Inireport din ni Lopez sa pagdinig na naging maayos ang kanilang consumer protection program at price monitoring sa gitna ng pandemya.

Sa katunayan, simula noong September ng nakaraang taon ay hindi nagkaroon ng price increase o adjustment sa Suggested Retail Price (SRP).

Facebook Comments