100 na pamilya, nawalan ng tahanan matapos matupok ang 50 kabahayan sa QC

Nasa 100 na pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog ang 50 kabahayan sa Sitio Pajo, Baesa, Quezon City.

Batay sa report ng Bureau of Fire Protection o BFP-QC, nagsimula ang sunog sa kwarto sa ikalawang palapag na ng 2-storey building gusali na pag-aari ng isang Joan Cagas.

Nagsimula ang sunog bandang alas-9:56 ng umaga at dahil gawa sa light materials ang bahay, mabilis itong kumalat sa katabing mga kabahayan, dahilan para itaas ito sa unang alarma bago naapula ng alas-12:43 ng tanghali.


Ayon kay SF04 Joel del Mundo, nagmula sa electrical service line ang sanhi ng sunog at tinatayang aabot sa kalahating milyong piso ang halaga ng ari-ariang natupok.

Facebook Comments