Natanggap na ng COMELEC Provincial Board of Canvassers ang isang daang porsyentong boto sa iba’t-ibang bayan sa Pangasinan.
Ayon kay Provincial Election Supervisor, Atty. Eric Oganiza, nakaranas ng ilang aberya ang mga Electoral Boards gaya ng pagpalya ng VCMs at SD card dahil sa mainit na panahon.
Huling nakapagtransmit ng boto ang bayan ng Mapandan dahil sa glitches nito sa SD card.
Ilan din sa mga bayan na nakaranas ng pagpalya ng VCMs ay ang Anda, Agno, Bani, Bolinao, Sual, Alaminos City, Aguilar, Labrador, Mangatarem, Bayambang, Mapandan, Mangaldan, Dagupan City, Bautista, Binalonan, Laoac, Pozorrubio, Balungao, Rosales, San Nicolas, Tayug, and Umingan.
Ang Pangasinan ay mayroong 2. 1 milyong rehistradong botante para sa NLE 2022. | ifmnews
Facebook Comments