Nai-deploy na ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng Vote Counting Machines (VCM) na gagamitin sa halalan sa Mayo 9.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, kinailangang mai-deliver ang lahat ng VCM bago ang eleksyon dahil sasalang pa ang mga ito sa final testing at sealing.
Hinikayat naman ni Garcia ang publiko, mga poll watcher at kinatawan ng mga political party na magtungo sa mga polling centers sa buong bansa para personal na masaksihan ang testing ng mga VCM.
Sa nasabing testing, magpi-print ang VCM ng zero receipt na magpapakitang wala itong laman.
Dagdag pa ni Garcia, may nakalatag na contigency measures ang COMELEC sakaling makaranas ng aberya sa mga VCM.
Tiniyak din niya na hindi na mauulit sa darating na halalan ang pitong oras na glitch na naranasan noong 2019 elections.