Aabot sa 100 pamilya ang mapapasaya ngayong araw kasabay ng paglulunsad ng proyektong “Makakarating Ngayong Pasko: The RMN Christmas Thanksgiving Activity.”
Naging posible ito dahil sa pinagsanib na pwersa ng RMN Networks, DZXL 558 Radyo Trabaho, 93.9 iFM Manila, RMN Foundation at DWWW 774.
Ayon kay Patrick Aurelio ng RMN Foundation, mga person with disability (PWD), single mom at indigent people sa Barangay Payatas, Quezon City ang napiling mahandugan ng bigas at noche buena package
Nagpasalamat naman ang tauhan ng Barangay Payatas na si Annabel Eco sa pagbisita ng RMN sa kanilang lugar lalo’t marami sa mga residente nila ang dumadaing ng panghanda sa Pasko.
Bukod sa bigas at noche Buena package, magkakaroon din ng mga palaro kung saan mas marami pang papremyo at regalo ang nag-aabang sa mga benepisyaryo.