100 pasahero na patungong Zamboanga, hindi pinasakay ng barko ng PPA

Pinagbawalang makasakay ng barko ng Philippine Ports Authority (PPA) ang 100 pasahero na patungo sana ng Zamboanga City kahapon.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago na hindi pinasakay ang mga ito dahil sa kakulangan ng travel documents.

Paliwanag nito, fully vaccinated ang karamihan sa kanila pero wala silang bitbit na negatibong resulta ng kanilang RT-PCR test na isa sa mga requirement ng Zamboanga Local Government Unit (LGU).


Kaya paalala nito sa mga pasahero na kontakin muna ang LGU of destination at alamin kung anu-anong travel documents ang kailangan bago magtungo sa pier.

Samantala, mahigpit din ang pagpapatupad ng “No vax, No ride” Policy sa mga pantalan sa bansa.

Aniya sa gate pa lamang ng terminal ay mayroon nang nag-iinspeksyon ng mga vaccine card, ticket at boarding pass bago pa man sila tuluyang papasukin sa mga pantalan.

Facebook Comments