Kasabay ng pagpapatupad ng implementasyon ng Alert Level 1 sa Pangasinan, ipinatupad sa Hundred Islands National Park sa Alaminos City ang 100 porsyentong passenger capacity sa mga motorboats dito.
Kayang magsakay ng mga motorboat dito ng lima hanggang 15 pasahero na nagkakahalaga ng 1, 400 hanggang 2, 000 sa one day tour.
Nagbalik na rin dito ang ilang amenities gaya ng zipline, kayaking, snorkeling at paggamit ng banana boat na nagkakahalaga ng 250 pesos.
Matatandaan na isa sa mga naapektuhan ng pandemya sa lungsod ay ang mga bangkero na nawalan ng trabaho.
Inaasahan namang makakabawi na ang mga ito ng kanilang kita ngayong mas maluwag na ang Alert Level at maraming dadagsang turista ngayong papasok ang Summer season. | ifmnews
Facebook Comments