100 Patrolman at Patrolwoman, Nanumpa na sa bagong Tungkulin

Cauayan City, Isabela-Sabay-sabay na nanumpa sa tungkulin ang nasa 100 Patrolman at Patrolwoman na pinalad sa mga napili ng Recruitment and Selection Board ng Police Regional Office No. 2 ngayong araw.

Pinangunahan ni Regional Director PBGen. Angelito Casimiro ang Oath Taking Ceremony ng mga napiling mga dagdag sa hanay ng pulisya.

Sa kanyang pananalita, ang nasabing aktibidad ay isa sa mahalagang parte ng kanilang buhay dahil sa kanilang sakripisyo na maging alagad ng batas.


Ipinunto pa ng opisyal na malampasan ng mga ito ang mga hamon sa kanilang serbisyo publiko.

Kinabibilangan naman ng 15 kababaihan at 85 kalalakihan ang ngayon ay ganap ng parte ng kapulisan sa pagpapatupad ng batas.

Sa ngayon, sasailalim sa ilan pang pagsasanay gaya ng Public Safety Basic Recruit Course and Field Training Programs sa loob ng 12 buwan na pangangasiwaan ng Regional Training Center 2.

Facebook Comments