Papayagan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 100% operasyon ng mga negosyo at iba pang aktibidad sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.
Batay sa inilabas na Memorandum Circular No. 20-52 ng DTI ngayong Sabado, Oktubre 3, 2020, pinapayagang mag-operate nang 100% capacity ang mga nasa categories 2 at 3, pero kailangang sumunod ang mga ito sa minimum health at safety standards.
Kabilang dito ang nasa mining and quarrying, financial services, legal and accounting, management consultancy activities, architecture and engineering activities, technical testing and analysis, scientific and research development, advertising and market research, computer programming, publishing and printing services.
Sakop din nito ang nasa film, music at TV production; recruitment and placement agencies for overseas employment, photography services; wholesale and retail ng mga sasakyan at repair ng mga sasakyan.
Pasok din sa circular ang non-leisure wholeseale and retail establishments habang ang mga barber shop at salon ay pinapayagan lang sa 75% capacity at kailangang isaalang-alang ang physical distancing.
Nakasaad din sa circular na ang mga mall at commercial center ay kailangan pang sumunod sa mahahalagang guidelines ng DTI.
Kinakailangan ding sumunod sa safety guidelines na inilabas ng Department of Public Works and Highways ng mga public at private construction project.
Bagamat, pinapayagan ng DTI ang mga restaurant at fast-food establishment na tumanggap ng mahigit sa 50% capacity para sa dine-in services, papayagan na ring silang mag-operate nang 24 oras para sa dine-in, take-out at delivery services.