Pagbibigay ng 100% service tip para sa resto at hotel staff, pasado na sa Bicam panel

Aprubado na ng congressional bilateral committee ang panukalang matatanggap ng lahat ng empleyado sa hotels, restaurants, at iba pang establisyimento ang makokolektang service charges sa kanilang customers.

“After more than 40 years yung kasaysayan natin from the presidential decree in 74, 75, ngayon yung service charge ay 100 percent na na mapupunta sa ating mga workers,” ani Senador Joel Villanueva sa mga reporter matapos ang bicam meeting sa Senado.

“We’re able to thresh out the difference between the versions of the House and the Senate,” dagdag ni Villanueva, chair ng Senate committee on labor.


Sa kasalukuyan 85 porsiyento lamang ng collected services tips ang ibinibigay sa mga empleyado habang napupunta naman ang 15 porsiyento sa management.

Sa bersyon ng Kamara, 90 porsiyento ng kabuuang nakolektang service charges ang dapat ibigay sa empleyado at 10 porsiyento sa management. Pero sa limbag ng Senado, dapat 100 percent service charge ang makuha ng mga manggagawa.

Pumayag ang Kongreso sa bersyon ng Senado.

“Maraming mga datos tayo, maramign mga survey, maraming mga complaints, even establishments sa Quezon City, baligtad pa nga ang nangyayari, 15 percent yung nakukuha nung mga waiters, tapos 75 percent nakukua ng management,” ani Villanueva.

“Ito ay mawawakasan ngayong araw na ito at dito sa napagkasunduan ng both houses ay 100 percent ibigay ito sa ating mga manggagawa, sa ating ranking file and supervisory level,” dagdag ng Senador.

Inaasahan ni Villanueva na mapagtitibay agad ang batas bago ipadala kay Pangulong Rodrigo Duterte upang lagdaan.

“Giving 100 percent of service charge solely to employees is an additional contribution for the payment of their personal and family expenses including food, rent, electricity and water bills. We think this is just a rightful move on the part of the establishments that hire them for the quality service they give to their customers,” paliwanag pa ni Villanueva.

Si Villanueva ang may-akda ng Senate Bill 1299 o Service Charges in Hotel and Establishments Act.

Facebook Comments