
Cauayan City – Nakatanggap ng Cash Subsidy ang 100 solo parents mula sa lungsod ng Cauayan bilang bahagi ng selebrasyon ng National Womens Month.
Ang Cash Subsidy Payout ay pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office katuwang ang LGU Cauayan City.
Layunin ng programang ito na makapagpaabot ng tulong sa mga solo parents mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod ng Cauayan upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya lalong-lalo na ang kanilang mga anak.
Isa ang programang ito sa mga tinututukan at pinaglaanan ng pondo ng Gender and Development Focal Point System upang mas mapalakas pa ang gender equality sa lungsod maging ang marginalized groups katulad ng mga solo parents.
Facebook Comments