Binigyang-pagkilala at parangal ang isang matandang residente ng Binmaley, si Lola Hermana Manuel De Guzman ng Brgy. San Isidro Norte, matapos maabot ang edad na 100 taon.
Sa pangunguna ng Pamahalaang Lokal ng Binmaley, katuwang ang National Commission of Senior Citizens (NCSC), tumanggap si Lola Hermana ng ₱100,000 insentibo sa isang seremonya na isinagawa sa Binmaley Evacuation Center.
Bahagi ito ng pagpapatupad ng Republic Act No. 11982 o Centenarian Act, na naglalayong magbigay ng pagkilala at benepisyo sa mga Pilipinong umabot sa isang siglo ng buhay.
Layunin ng nasabing programa na itaguyod ang karapatan, dignidad, at kagalingan ng mga nakatatanda sa bansa.
Bukod kay Lola Hermana, 65 pang senior citizens mula sa iba’t ibang barangay ng Binmaley na may edad 80, 85, 90, at 95 ang tumanggap din ng tig-₱10,000 cash gift bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa lipunan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







