100 taong kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ipagdidiwang sa Lunes

Manila, Philippines – Ipagdiriwang ng pamilya Marcos ang ika-100 kaarawan ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Lunes, Setyembre 11.

Magkakaroon ng pamisa, maikling programa at pananghalian para sa mga imbitadong bisita.

Mahigpit ding ipapatupad ang No Invitation, No Entry.


Kabilang sa mga hindi nakatanggap ng imbitasyon sina House Speaker Pantaleon Alvarez at Makabayan Bloc.

Pero nakatanggap naman ang mga masugid na kritiko ng pamilya gaya nina Akbayan Rep. Tom Villarin at Albay Rep. Edcel Lagman.

Sa pananaw ni House Minority Floor Leader Danilo Suarez – wala namang masama sa pagpaparangal kay Marcos.

Sa isang pahayag, nasuka si Villarin nang matanggap niya ang imbitasyon at muli na namang namamayagpag ang mga Marcos dahil kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit naman ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate – sinasamantala nila ang pagkakataon para baguhin ang kasaysayan.

Dahil dito, balak nilang sabayan ng kilos protesta ang pagdiriwang.

Facebook Comments