100 vaccination sites, inilapit sa mga purok at barangay sa Quezon City

Ngayong Sabado ay pansamantalang isasara ng Quezon City Task Force Vax to Normal ang lahat ng regular vaccination sites upang magsagawa ng area-based inoculation.

Nagtayo ang Local Government Unit (LGU) ng 100 pop-up vaccination sites sa mga barangay upang mailapit ito sa mga residente.

Umaabot sa 130 teams na binubuo ng mga doctor, nurses, healthcare workers, barangay workers at mga volunteers ang tutulong sa mga purok o mga barangay upang mabakunahan ang mga residente na hindi pa nakatatanggap ng kanilang first dose, second dose o booster.


Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ito ang kanilang naging estratehiya upang mailapit sa kanilang mga constituents at ma-identify ang mga indibidwal na hindi pa nakakapagpabakuna kontra COVID-19.

Aniya, ang mga vaccine brand na hindi gaanong sensitibo sa temperatura gaya ng Sinovac, AstraZeneca at Janssen ang gagamitin sa inoculation.

Facebook Comments