1,000 BAG NG BIGAS, HATID SA MGA APEKTADO NG KALAMIDAD SA DAGUPAN

Umabot sa 1,000 bag o 5,000 kilo ng bigas ang naipaabot sa iba’t ibang komunidad sa Dagupan bilang bahagi ng tulong para sa mga residenteng naapektuhan ng nagdaang kalamidad.

Sa kabuuang bilang, 420 bag ang inilaan para sa MAARON INA, 80 bag para sa feeding program ng 31 barangay, at 500 bag para sa mga pamilyang nangangailangan sa Herrero Perez at Pantal.

Kasama rin dito ang tulong na 500 bag ng bigas para sa mga residente sa Arellano, Barangay Pantal, na patuloy pang bumabangon mula sa pinsala ng kalamidad.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang maayos na distribusyon upang agad na makarating ang pagkain sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Ayon sa City Social Welfare and Development Office, mahalaga ang naturang ayuda upang mapagaan ang sitwasyon ng mga apektadong residente habang nagpapatuloy ang rehabilitasyon sa mga komunidad.

Ang kabuuan ng ipinamahaging bigas ay donasyon mula sa isang pribadong organisasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments