Thursday, February 12, 2026

1000 BAKAWAN BABAE, ITINANIM SA BAHAGI NG LUCAP, ALAMINOS CITY

Nakapagtanim ng isang libong (1,000) bakawan babae ang PROXY Plus by The Oriental Pangasinan sa pakikipagtulungan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Barangay Cabatugan Lucap, Alaminos City.

Ang aktibidad ay bahagi ng adbokasiya ng samahan na itaguyod ang mga makakalikasang gawain at pangalagaan ang yamang-dagat sa lungsod. Sa pamamagitan ng pagtatanim, layunin nilang palakasin ang kamalayan ng komunidad sa pangangalaga sa kalikasan at pagprotekta sa mga likas na yaman.

Bukod sa environmental impact, ang pagtatanim ng bakawan ay nakatutulong sa pagpigil ng soil erosion, pagpapabuti ng kalidad ng tubig, at pagtataguyod ng mas matatag na ekosistema sa baybayin. Pinapakita rin nito ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng lokal na pamayanan at pribadong sektor para sa kalikasan.

Ayon sa CENRO, inaasahang makikinabang ang komunidad sa mas malusog na kapaligiran at mas protektadong baybayin, kasabay ng pagpapalakas ng partisipasyon ng mga residente sa mga programang pangkalikasan.

Ang pagtatanim ng bakawan sa Cabatugan ay isa lamang sa mga hakbang ng lungsod upang itaguyod ang sustainable development at environmental stewardship sa buong Alaminos City.

Facebook Comments