1,000 empleyado natanggap on the spot sa job fair ng DOTr

Higit sa 1,000 job seeker ang natanggap agad on the spot sa pinangunahang job fair ng Department of Transportation o DOTr kahapon, Araw ng Paggawa.

Ayon sa DOTr, 16,000 ang nagparehistrong aplikante sa ‘Build Build Build – Trabaho Negosyo Kabuhayan’ sa Pampanga.

2,000 uri trabaho para sa loob at labas ng bansa ang bakante sa nasabing job fair mula sa 1,000 kumpanya na lumahok sa aktibidad.


Bukod sa job fair sa Pampanga, meron pang 30 job fair ang kasabay na isinagawa kahapon sa buong bansa.

Samantala, nagbigay din ng free training seminar ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA kahapon.

Facebook Comments