1,000 Kadiwa stores, target ng DA

Target ng Department of Agriculture na magbukas ng 1,000 permanenteng Kadiwa stores sa buong bansa sa susunod na apat na taon.

Sa Malacañang Insider, sinabi ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na sisimulan ito oras na magkaroon na ng maayos na logistic flow ng mga agri products.

Pinag-aaralan din ng ahensya na magsagawa ng Kadiwa franchising.


Sa ilalim nito, papayagan ang mga kooperatiba o pribadong sektor na gamitin ang pangalang “Kadiwa” sa mga piling lugar basta’t nakasusunod sa panuntunan o polisiya ng DA.

Sa ngayon, nasa 230 ang Kadiwa centers sa buong bansa, 17 pa lang ang regular na nag-o-operate.

Facebook Comments