1000 MANGROVE SEEDLINGS, NAITANIM BILANG BAHAGI NG KAPALIGIRAN PROGRAM SA POTOTAN, BINMALEY

Matagumpay na naisagawa ang malawakang mangrove tree planting sa Barangay Pototan, Binmaley kamakailan, kung saan umabot sa 1,000 mangrove seedlings ang naitanim bilang bahagi ng pagpapalakas sa proteksyon ng baybaying-dagat at ilog sa bayan.

Pinangunahan ng Binmaley Tourism Office ang aktibidad, katuwang ang Miss Gay Elemental Queens, mga boluntaryong residente ng Barangay Pototan, at mga empleyado ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa mga organizer, ang proyekto ay mahalagang hakbang sa pangmatagalang pangangalaga sa kapaligiran.

Mahalaga ang papel ng mga mangrove forest sa pagpigil ng pagguho ng lupa, pagiging natural na panangga laban sa storm surge, at pagbibigay ng tirahan sa iba’t ibang yamang-dagat.

Patuloy namang hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang publiko na makilahok sa mga programang pangkalikasan upang makamit ang isang mas ligtas at luntiang Binmaley.

Facebook Comments