Nasa 1,000 persons deprived of liberty (PDL) ang inaasahang bibigyan ni Pangulong Bongbong Marcos ng pardon ngayong Pasko.
Ayon kay Department of Justice Assistant Secretary Mico Clavano, taon-taong isinasagawa ang pagbibigay ng pardon.
Aniya, walang priority list sa halip ay nakabase sa qualifications ang pagbibigay ng parole, maliban na lamang kung matanda na, may kapansanan o may matinding karamdaman.
Hindi naman sakop ng pardon ang mga sex offender, anuman ang edad.
Samantala, sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni BJMP Spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera na mahigit 74,000 na mga PDL na ang napalaya ngayong taon.
Dagdag ni Bustinera, nakatutulong ang pagpapalaya sa mga kwalipikadong PDL upang mapaluwag ang mga kulungan sa bansa.