Unang araw pa lamang matapos manungkulan ng mga bagong halal na opisyal, isang kongresista na ang nagsusulong ng pagbibigay ng 1,000 pesos allowance sa mga mag-aaral sa kindergarten hanggang high school.
Sa inihain ni Batangas Representative Leandro Leviste, malaking tulong ito para mabawasan ang gastusin ng mga estudyante sa pagkain, transportasyon at mga pangangailangan sa paaralan.
Aniya, kailangan na 80 porsyento ng attendance ang dapat punan.
Sinang-ayunan naman ito ni Samuel Ramos, isang incoming college freshmen sa Luzon.
Aniya, malaking bagay na itong pantustos sa araw-araw.
Dahil dito, maglalaan ang pamahalaan ng 300 billion pesos taon-taon.
Nang matanong naman si Leviste kung saan kukuha ng pondo, sagot niya, kung kailangan mangutang ay magandang pagtuunan ang investment na ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









