1000 pounds na Vintage Bomb, Narekober sa Tuguegarao City

55

Cauayan City, Isabela-Narekober ng isang magsasaka ang vintage bomb sa bahagi ng ilog Cagayan na sakop ng Barangay Linao West sa Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 2, nangunguha ng kahoy na panggatong ang magsasakang si Mario Langcay, 52-anyos nang makita nito ang bomb ana may habang 52-inches at agad naman niya itong ipinag-bigay alam sa mga otoridad.


Tinatayang nasa 1000 pounds ang bigat o katumbas ng halos 500 kilo ang bomba na pinaniniwalaang hindi sumabog noong panahon ng world war 2.

Lumalabas pa sa imbestigasyon na posibleng naanod lamang ang bomba dahil sa paglaki ng lebel ng tubig sa Cagayan river dahil sa naranasang malawaka ng pagbaha sa probinsya.

Sa ngayon ay nagsagawa na ng kaukulang disposiyon ang mga otoridad matapos itong marekober.

Facebook Comments