1,000 pulis, ipapakalat para magbigay seguridad sa mga events sa Bataan at Tarlac

Ipapakalat ang 1,000 pulis mula sa Police Regional Office-3 para magbigay seguridad sa mga events sa Bataan at Tarlac.

Kaugnay ito ng paggunita sa ika-77 Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans’ Week.

Ayon kay PRO-3 Director Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel, primary concern ang seguridad at kaligtasan nina Vice President Leni Robredo, mga delegado at iba pang mga personalidad sa commemoration rites.


Bahagi rin ng security measure ang walang tigil na presensya ng pulisya para sa mga guests at turistang nasa bakasyon.

Kadalasang nagbibigay ng talumpati ang matataas na opisyal ng gobyerno kabilang ang presidente sa araw na ito.

Mayroon ding wreath laying ceremony sa Libingan ng mga Bayani at Mt. Samat sa Bataan para bigyang-pugay ang mga war veterans.

Facebook Comments