1,000 tourism workers, apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro

Kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) na umaabot sa isang libong manggagawa sa sektor ng turismo ang naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Kaugnay nito, inendorso na ng DOT sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga manggagawa para mapagkalooban ng alternatibong hanapbuhay.

Partikular na nawalan ng kabuhayan ang mga manggagawa mula sa 63 tourism sites.


Pagkakalooban din ng DOT ng skills training ang mga apektadong manggaggawa para maihanda ang mga ito sa alternatibong ikabubuhay hanggang hindi pa tapos ang problema sa oil spill.

Facebook Comments