Sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na bigyan ng 10,000 hanggang 15,000 pesos na sickness benefit ang lahat ng healthcare workers na dinapuan ng COVID-19.
Ayon kay Galvez, ang financial aid ay makatutulong para maibsan ang paghihirap ng mga healthcare worker na tinamaan ng sakit habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Sakop ng financial aid ang mga healthcare workers na nagkaroon ng mild infection.
Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1, binibigyan ng pamahalaan ng P1 milyon ang bawat pamilya ng healthcare workers na namatay at P100,000 sa mga matinding tinamaan ng sakit.
Facebook Comments