Dinagsa ng libu-libong mga guro ang pagdiriwang ng National Teacher’s Month ngayong taon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Ayon sa DepEd, tinatayang nasa 10,000 pampublikong guro at stakeholders ang lumahok sa culminating activity ng ahensya.
Layon ng pagtitipon na kilalanin ang husay at dedikasyon ng mga Pilipinong guro na pangunahing katuwang ng DepEd sa pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral, kaugnay na rin ng World Teachers Day celebration sa October 5.
Panauhing pandangal din ngayon sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos.
Habang present na rin sa pagtitipon si House Speaker Martin Romualdez, DepEd Secretary Sonny Angara, at iba pang DepEd at local officials.
Facebook Comments