10,000 indibidwal, kailangang i-contact trace kasunod ng pagpositibo sa COVID-19 ng dalawang nagtungo sa community pantry ng aktres na si Angel Locsin

Tinatayang aabot sa 10,000 indibidwal ang kailangang i-contact trace matapos ang paglunsad ng community pantry ng aktres na si Angel Locsin.

Ito ay kasunod ng lumabas na resulta na positibo sa COVID-19 ang dalawang residente na nagtungo sa community pantry sa Quezon City.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, hinimok niya ang mga nagtungo sa community pantry na sumailalim sa libreng COVID-19 testing.


Matatandaang noong nakaraang buwan ay inilunsad ng aktres ang kaniyang community pantry na dinagsa ng maraming tao at sa kasamaang palad ay may isang matandang nasawi matapos mag-collapse.

Facebook Comments