10,000 karagdagang contact tracers, kailangan sa Metro Manila – DILG

Nangangailangan ang Metro Manila ng karagdagang 10,000 contact tracers sa gitna ng paglobo ng COVID-19 cases sa rehiyon.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary, Spokesperson Jonathan Malaya, ang pag-hire ng karagdagang contact tracers ay alinsunod sa 1:800 ratio requirement ng World Health Organization (WHO).

Ang mga hinahanap na contact tracers ay graduate ng medical courses at criminology o maaaring nag-aaral pa sa mga ganitong kurso.


Ang ikalawang prayoridad ay graduate ng anumang kurso.

Ang mga papasang aplikante ay sasalang sa training sa Local Government Academy o Philippine Public Safety College.

Ang mga interesado ay maaaring magpasa ng kanilang Transcript of Records (TOR), application letter, NBI clearance, personal data sheet at kumuha ng drug test.

Sa ilalim ng Bayanihan 2, nasa ₱5 billion ang inilaan para sa hiring at training ng contact tracers.

Facebook Comments