10,000 manggagawa sa Cagayan, Isabela, bibigyan ng emergency jobs – DOLE

Mabebenepisyuhan ang nasa 10,000 manggagawa sa Isabela at Cagayan na pinadapa ng malawakang pagbaha sa ilalim ng emergency employment program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinimulan na nila ang pag-hire ng mga manggagawa sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program.

Aniya, 5,000 na manggagawa ang iha-hire sa Cagayan at 5,000 sa Isabela.


Bago ito, naglaan na rin ang DOLE ng 5,000 slots sa Bicol Region nang mapuruhan ng Supertyphoon Rolly.

Nasa ₱180 million hanggang ₱200 million budget ang kailangan para mapondohan ang emergency employment program sa Bicol Region.

Ang pondo ay kukunin sa Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2).

Maglalaan din ng pondo ang DOLE para sa emergency employment sa CALABARZON at MIMAROPA na sinalanta rin ng mga nagdaang bagyo.

Facebook Comments