10,000 Packs ng Bigas, Ipinamahagi ng Isabela sa Ilocos Sur

22

Cauayan City, Isabela- Nagpaabot ng tulong ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Maring sa probinsya ng Ilocos Sur.

Nitong ika-20 ng Nobyembre, inatasan ni Isabela Governor Rodito Albano III ang mga kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) para maihatid ang bigas na tulong sa mga apektadong pamilya sa nasabing probinsya.

Malugod namang tinanggap ni Ginoong Rodrigo Llameg, PSWDO Officer-in-Charge ng Ilocos Sur ang tulong na bigas ng Isabela.


Ang bawat apektadong pamilya ay nabigyan ng tig-dalawang kilo ng bigas.

Facebook Comments