Nagpakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng nasa 10,000 pulis sa Metro Manila para paigtingin ang kampanya sa pagpapatupad ng minimum health standards laban sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay NCRPO Director Police Brigadier General Vicente Danao, bahagi ng intensified measures ay ang mahigpit na security check para sa mga papasok sa border control points ng Metro Manila mula sa Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.
Sasabayan din ito ng anti-crime measures sa lahat ng lugar sa metropolis.
Inaasahan nilang tataas ang criminal activities ngayong Christmas season kaya hindi maaaring magpakampante ang mga tao dahil maaaring sumipa ang kaso ng COVID-19 cases.
Facebook Comments