Aabot sa 10,000 pulis ang nakatakdang i-deploy ng Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila para matiyak na naipapatupad ang uniform curfew hours.
Ayon kay PNP Officer-In-Charge Police Lieutentant General Guillermo Eleazar, inatasan niya ang police force na magpatupad ng maximum tolerace at igalang ang human rights.
Paalala ni Eleazar sa publiko na igalang din ang mga tagapagpatupad ng batas at sundin ang health protocols.
Dalawang linggong ipapatupad ang uniform curfew sa Metro Manila mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Samantala, mananatiling bukas ang mga essential services kahit sa ilalim ng uniform curfew.
Facebook Comments