Inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry ang ‘Trabaho Negosyo Kabuhayan (TNK)’, isang online job at business fair.
Nasa higit 10,000 bakanteng posisyon sa pampubliko at pribadong sektor ang pwedeng apply-an sa nasabing fair.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, parte ito ng pagtugon ng gobyerno sa problema ng unemployment sa bansa dahil sa pandemya.
Bukas ito para sa mga nawalan ng trabaho, napauwing Overseas Filipino Workers (OFWs), K-12 graduates, may kapansanan at senior citizens.
Facebook Comments